Categories
Advertisements

PRESS RELEASE: Para sa bayan at Lasalyano 2022

Sa ika-18 taon ng Para sa Bayan at Lasalyano (BayLayn), nananatili itong mapagmulat, progresibo, at tapat sa adhikaing paigtingin at hubugin ang kaalaman ng mga mamamahayag pangkampus ukol sa mga isyung pangkampus at panlipunan. 

Ngayong taon, iikot ang programa sa temang “Progresibong Pamamahayag: Gampanin ng Midya sa Pagpapalawig ng Panawagan ng Masa.” Bubuuin ito ng dalawang Big Talk na pangungunahan nina RG Cruz at Mara Cepeda at maikling talakayan kasama sina Brian Razon, Carwyn Candila, Mayka, at Jaime Paglinawan. Pag-uusapan ang iba’t ibang panawagan ng mga sektor ng lipunan at ang gampanin ng midya sa progresibong pamamahayag.

Huwag ding palagpasin ang espesyal na pagtatanghal ng Munimuni at Giro and friends sa darating na BayLayn. Makiisa sa himig ng musika sa gitna ng mga diskusyon. 

Samahan ninyo kami sa darating na Hunyo 18 sa Zoom at FB Live. Manatiling nakasubaybay sa BayLayn Facebook page at @baylayn_app sa Twitter para sa iba pang mga impormasyon.

Tara na at samahan kami sa pagsulong para sa progresibong pamamahayag. 

#BayLayn2022

By Ang Pahayagang Plaridel

Leave a Reply