Categories
Menagerie

“Saksakin ng mga Pluma ang Kaaway!” (Isang napapanahong manipesto)

Gamit ang kanilang mga panulat, binibigyang-liwanag ng mga mamamahayag ang mga suliranin sa lipunan upang magdulot ng pagbabago.

Sa komemorasyon ng bayaning pakikibaka ng sambayanan, dapat nating bigyang diin ang papel ng pahayagang pangkampus sa pagpukaw ng masang estudyante upang humayo at kumilos para sa pambansang demokrasya laban sa imperyalismong Estados Unidos, pyudalismo, at kapitalismong burukrata.

Ang mga sunud-sunod na kilos-masa ay malinaw na pahayag ng demokratikong aspirasyon ng sambayanan. Ang mga talumpati, teachings, symposia, awit, kawikaan, posters, leaflets, placards at streamers, at pati na rin ang pisikal na pagtutol sa pasistang kaaway, ay nagsisilbing mahalagang paraan sa pamamahagi ng mga prinsipyo ng pambansang demokrasya sa prenteng laban sa diktadura. Ngunit hindi natin dapat limutin ang malalim at tuluy-tuloy na propagasyon ng pakikibaka para sa tunay na kasarinlan at demokrasya ng mga pahayagang pangkampus kaalinsabay ng mga martsa at demonstrasyon na ginaganap sa mga lansangan ng kalunsuran at sa kanayunan.

Sa lumadlad nang rebolusyong pangkultura o ang tinatawag na Ikalawang Kilusang Propaganda (Second Propaganda Movement), ang pamamahayag sa kampus ay gumaganap ng papel ng pinaka-abanteng pwersa sa pagpapalinaw ng mga batayang usapin ng pakikibaka at sa pagpukaw at pag-organisa ng malawak na masang estudyante para sa rebolusyonaryong gawain. Ang mga estudyante naman ay maghahatid ng mensahe ng rebolusyong pangkultura sa malawak na masa ng sambayanan sa labas ng mga pamantasan at dalubhasaan.

Ang mga pahayagang pinamatnugutan at pinalalakad ng mga estudyante ay laging may malaking naidudulot sa pagsulong ng pambansa-demokratikong rebolusyon sa buong mundo. Suriin natin ang kasaysayan ng ating bansa at makikita natin na ang mga pahayagang ito ang siyang nagtipon ng mga suliranin at nagharap ng mga rebolusyonaryong solusyon ng panahon.

Ang Kalayaan, bilang rebolusyonaryong pahayagan ng Katipunan, ay nagsisilbing halimbawa. Pinamatnugutan ito ng rebolusyonaryong estudyante na si Emilio Jacinto. Sa baging antas ng pakikibaka ng sambayanan, ang mapanlaban at mapangahas na diwa ni Jacinto bilang patnugot at estudyante ay nanaig sa hanay ng mga perodista sa kampus.

Ang mapasapol ng mahalagang papel na ginagampanan ng peryodismo sa kampus sa pagbuo ng First Quarter Storm at ng kasalukuyang pakikibaka ng kilusang kabataang estudyante ay ang paglinang na ang pagiging wasto at pangangailangang sandata sa lahat ng mga darating na pagharap sa mga reaksyon sa buong proseso ng rebolusyong pangkultura.

Tungkulin ng mga manunulat sa kampus na ikonsolida ang lahat ng kasalukuyang pagtuon ng pamamahayag sa kampus laban sa imperyalismong Estados Unidos, pyudalismo, at kapitalismong burukrata. Ang ganti ng konsolidasyon ay nangangahulugang pagtalas ng isang rebolusyonaryong sandatang maninilbihan sa taumbayan, lalong lalo na sa nagpapawis na manggagawa at magsasakang bumubuo ng masa.

Malaki ang maitutulong ng mga pahayagan sa kampus sa pagpapatayo ng pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya. Maaari nilang salubungin ang reaksyonaryong sinungaling at paglilinlang ng kontroladong medya na kasangkapan ng mga imperyalista,  komprador, panginoong-maylupa, at kapitalistang burukrata. Sa katunayan, walang malaya at hindi naninindigang pahayagan sa buhay-o-kamatayang pakikibaka sa pagitan ng pwersa ng pagbabagong patnugot at may mga malinaw na patakaran. Ang pagiging balatkayo sa bahagi ng mga reaksyonaryo ay nagsasabing hindi sila naninindigan para sa kanilang makauring interes. Ang mga rebolusyonaryong pwersa sa kultura ay dapat lamang magkaroon ng kanilang sariling pahayagan upang mailahad ang pambansa at makauring interes ng mga inaapi at pinagsasamantalahan. Dapat lamang ligpitin ang kapit ng mga rebolusyonaryong estudyante sa mga pahayagang pangkampus at gamitin ang mga ito upang isulong at ipagtanggol ang mga interest ng mga progresibong estudyante, guro, at ng malawak na masa ng sambayanan.

Kung ang lahat ng mga patnugot at manunulat sa kampus ay magsasama-sama at maglalaban para sa rebolusyonaryong oryentasyon, ang kanilang mga pahayagan ay siguradong magiging lakas sa pagbuo ng opinyong-bayan. Ang mga pahayagang ito ay maaaring maging higit na makapangyarihan sa reaksyonaryong crony media. Ang pinagsamang sirkulasyon ng lahat ng mga publikasyong pang-estudyante sa mga mataas na paaralan, kolehiyo, at pamantasan ay maaaring makatalo sa pinagsamang sirkulasyon ng lahat ng pahayagan sa kalakhang lungsod.

Ang pagkakaroon ng mga pooled editorials at lathalain sa mga pahayagang pangkampus at magaling. Ito ay lubos na makatutulong sa pagsulong ng pakikibaka para sa pambansang demokrasya. Ito ay mabilis na makabubuo ng pagkakaisa sa kaisipan at pampulitikang patutunguhan. Makatutulong ang papel ng masang kabataang estudyante at mga guro sa pakikibaka para sa isang malaya at pambansa-demokratikong lipunan.

Ito ang panahon na kailangang pagkaisahin ang diwa at lakas ng mga progresibo at militanteng mamamahayag sa kampus at ang malawak na masa ng sambayanan sa pakikibaka laban sa mga kaaway ng pambansang demokrasya. Ang pahayagang pangkampus ay dapat gamiting mabisang tali sa pagitan ng sektor ng estudyante at antidiktadurang prente. Sa pagsulong ng pakikibaka para sa pambansang demokrasya, iisa ang tinig, “SAKSAKIN NG MGA PLUMA ANG KAAWAY!”


This article was published in The LaSallian‘s Archives 2024 special. To read more, visit bit.ly/TLSArchivesSpecial2024.

Nina Guillermo Guerrero Jr.

By Nina Guillermo Guerrero Jr.

Leilani De Guzman

By Leilani De Guzman

Dennis Liuag

By Dennis Liuag

Leave a Reply