Inaanyayahan ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Sikolohiya ang mga Lasalyano sa kumbensyong sikolohikal na PSYnc 2024: Tulay ng Kulay ngayong ika-23 ng Marso, 2024.
Ang PSYnc ay ang taunang flagship event ng organisasyon na muling nagbabalik upang bigyang-diin ang kahalagahan ng Sikolohiyang Pilipino sa aspetong akademiko at buhay praktikal ng bawat Pilipino. Sa pamamagitan ng diskusyon kasama ang iba’t-ibang propesyonal sa sektor, tatahakin ng PSYnc 2024 ang mga isyu na umiikot sa lokal na identidad sa konteksto ng Sikolohiya at ang mga kakulangan sa kaalaman ukol sa Sikolohiyang atin.
Ang PSYnc2024 ay bukas sa mga indibidwal sa labas ng pamantasang De La Salle at gaganapin sa Pardo Hall, ikalimang palapag ng Henry Sy Sr. Hall ng De La Salle University-Manila.
Maaaring mag-register sa PSYnc 2024: Tulay ng Kulay sa link na ito at may presyong P50 lamang.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang Facebook, Instagram, at website ng SMS.